Ratings & Reviews performance provides an overview of what users think of your app. Here are the key metrics to help you identify how your app is rated by users and how successful is your review management strategy.
Ang Snapseed ay isang kumpleto at pampropesyonal na pang-edit ng larawan na ginawa ng Google. == MGA PANGUNAHING FEATURE== • 29 na Tool at Filter, kasama ang: Healing, Brush, Structure, HDR, at Perspective (tingnan ang listahan sa ibaba) • Nagbubukas ng mga JPG at RAW file • I-save ang iyong mga personal na look at ilapat ang mga ito sa mga bagong larawan sa ibang pagkakataon • Selective filter brush • Maaaring isaayos ang lahat ng istilo sa pamamagitan ng pino at eksaktong kontrol == MGA TOOL, FILTER, AT MUKHA == • RAW Develop – magbukas at magsaayos ng mga RAW na DNG file; mag-save nang walang nasisira o mag-export bilang JPG • I-tune ang larawan – awtomatiko o manual na magsaayos ng exposure at kulay sa pamamagitan ng pino at eksaktong kontrol • Mga Detalye – kahanga-hangang inilalabas ang mga surface structure sa mga larawan • I-crop – mag-crop sa mga karaniwang laki o nang walang limitasyon • I-rotate – mag-rotate nang 90°, o ituwid ang isang tabinging horizon • Perspective – ayusin ang mga tabinging linya at gawing perpekto ang geometry ng mga horizon o gusali • White Balance – isaayos ang mga kulay upang maging mas natural ang larawan • Brush – i-retouch ang exposure, saturation, liwanag, o warmth ng ilang piling bahagi • Selective – ang kilalang “Control Point” na teknolohiya: Maglagay ng hanggang 8 point sa larawan at magtakda ng mga pagpapahusay, ang algorithm na ang bahala sa iba • Healing – alisin ang isang nasingit na tao sa isang larawan ng pangkat • Vignette – magdagdag ng kaunting dilim sa mga sulok tulad ng ginagawa ng isang magandang malawak na aperture • Text – magdagdag ng text na mayroon o walang istilo • Mga Curve - kontrolin ang mga antas ng liwanag sa mga larawan mo sa eksaktong paraan • Palawakin - lakihan ang iyong canvas at lagyan ang bagong espasyo ng content ng larawan mo sa mahuhusay na paraan • Lens Blur – magdagdag ng magandang Bokeh sa mga larawan (pag-soften ng background), mainam sa mga photographic na portrait • Glamour Glow – magdagdag ng fine glow sa mga larawan, mainam para sa fashion o mga portrait • Tonal Contrast – palabasin ang ilang detalye sa mga shadow, midtone, at highlight • HDR Scape – pagandahin ang iyong mga larawan sa pamamagitan ng paggawa ng effect ng maraming exposure • Drama – magdagdag ng emosyon sa mga larawan mo (6 na istilo) • Grunge – isang edgy look na may mga istilong malakas ang dating at texture overlay • Grainy Film – gayahin ang dating ng mga modernong pelikula gamit ang makatotohanang grain • Vintage – ang istilo ng color film na larawan mula sa 50’s, 60’s, o 70’s • Retrolux – magpaka-retro sa pamamagitan ng mga light leak, scratch, at istilo ng pelikula • Noir – Black and White film na dating na may makatotohanang grain at “wash” effect • Black & White – classic na Black and White na dating mula mismo sa darkroom • Mga Frame – magdagdag ng mga frame na naisasaayos ang laki • Double Exposure - mag-blend ng dalawang larawan, at pumili mula sa mga blend mode na halaw sa pagkuha gamit ang film at digital na pagproseso ng larawan • Face Enhance – mas mag-focus sa mga mata, magdagdag ng liwanag na partikular sa mukha, o pakinisin ang kutis • Face Pose - iwasto ang pose ng mga portrait batay sa mga three dimensional na modelo