Ratings & Reviews performance provides an overview of what users think of your app. Here are the key metrics to help you identify how your app is rated by users and how successful is your review management strategy.
Kung ikaw ay baguhan, kailangan mong pag-aralan ang mga simpleng paraan at matuto kung paano ito gamitin! Ang kursong ito ay may 4300 pagsasanay para sa mga baguhan sa taktikal na mga paraan: sambat, pagkulong, dobleng-atake, nadiskubreng paglusob, pagsira sa depensa ng kalabang hari, pagsamantala sa kahinaan ng likurang (una) pila. Kung ikaw ay baguhan o matagal nang naglalaro, ang programang ito ay para sa iyo! Pagkatapos ng kursong ito, hindi mo palalagpasin ang panimulang kombinasyon sa iyong sariling laro at mas mapapabuti ang kalidad ng iyong laro. Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro. Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral. Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali. Pakinabang ng programa: ♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti ♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo ♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain ♔ Ilang layunin na kailangang maabot ♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali ♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan ♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain ♔ Maayos na talaan ng nilalaman ♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral ♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri ♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay ♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet ♔ Tinitiyak na tao ang sumalin nito sa Filipino at hindi kompyuter ♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito ♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS at Web Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa: 1. Ang sambat 2. Pagkulong o pagtuhog 3. Dobleng-atake 4. Nadiskrubeng paglusob 5. Pagsira sa depensa ng hari 6. Pagsira sa mga depensang nasa likuran