Ratings & Reviews performance provides an overview of what users think of your app. Here are the key metrics to help you identify how your app is rated by users and how successful is your review management strategy.
Habambuhay na masiyahan sa pagbabasa ng mga makuwela at makukulay na mga kuwento kasama ang mga bata sa pamamagitan ng Let's Read app. Sa libo-libong aklat mula sa mga lokal na manunulat at ilustrador sa iba't ibang wika kasama ang Ingles, matutulungan natin ang mga bata na mabighani sa pagbabasa at kaalaman! Ang lahat ng mga aklat sa Let's Read app ay libreng basahin. Ang inyong mga paboritong aklat ay maaring i-download upang mabasa sa anumang oras, online o offline. Ang mga may kakayahang magsalita sa iba't ibang wika ay maaring magpalipat-lipat ng wika sa aklat sa madaliang pagpindot, nagbibigay ito ng pagkakataong makapili ng mga wikang magagamit sa Let's Read app, kasama na ang Ingles. Mayroong mga bagong aklat ang nadaragdag sa aklatan ng Let's Read sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng ating malawak na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na manunulat, ilustrador, at tagasalin. Ang Let's Read ay isang pagkukusang proyekto ng programang Books for Asia ng The Asia Foundation na naglalayong mangalaga sa mga kabataang mambabasa sa Asya. Kami ay nakatuon sa mga wikang hindi nabibigyang pansin at nagmumula sa mga lokal sa gawain upang makalikha ng mga aklat na nagsasalamin sa kanilang sariling kultura. Iba pang kaalaman tungkol sa Let’s Read: www.letsreadasia.org/about