Ratings & Reviews performance provides an overview of what users think of your app. Here are the key metrics to help you identify how your app is rated by users and how successful is your review management strategy.
Maging sanay na tagaalaga ng sanggol habang ikaw ay nagpapatakbo ng iyong sariling kindergarten sa tahanan. Ang mga kaibig-ibig na sanggol ay hindi na mga kasisilang lamang, ang kanilang mga ina at ama ay dinadala sila sa iyong arawang pag-aalaga. Ang mga sanggol na bata ay naglalaro sa interactive na kwarto ng paglalaro at naghihintay sa iyong atensyon. Bigyan ng labis na kaligayahan ang mga nakakatuwang bata gamit ang iba’t ibang aktibidad sa pag-aalaga sa 7 kaibig-ibig na eksena, tulad ng nakakatawang paliligo, mabulang pagsisipilyo, pagpapalit ng lampin, naka-istilong pagdadamit, masarap na pagkain, pagtulog para sa kagandahan at masayang paglalaro. Oras na para sa paliligo! Palayawin ang iyong sanggol gamit ang mapagpalayaw na paliligo. Bago ang oras ng paliligo, pumili ng ilang laruan upang patalunin sa tuwa ang sanggol. Pagkatapos ay hugasan ang sanggol gamit ang sabon at siyampu at punasan siya nang mahina gamit ang tuwalya. Tayo ay magsaya sa pagpapaputok ng mga bula ng sabon. Damitan ang maliliit na sanggol. Maaari kang pumili mula sa iba’t ibang nakakatuwang damit para sa mga batang lalaki at babae. Masarap! Ang mga sanggol ay nangangailangan ng masarap na pagkain ilang beses sa isang araw. Maghanda ng 3 magkakaibang tipo ng pagkain, pinulbos na gats, mga siryal na may yoghurt at berries, o maghiwa ng ilang sariwang prutas na puno ng bitamina. Huwag kalimutang gumamit ng maliit na tuwalya. Zzzzz, oras na ng pagtulog! Ang sanggol ay pagod at inaantok matapos ang sobrang paglalaro. Ibigay sa kanya ang kanyang paboritong laruan at manika upang makakuha ng maayos na tulog sa gabi. Balutin ang sanggol gamit ang kakaiba ngunit nakakatuwang kubrekama. Ngayon, lahat ay mainam para iugoy ang sanggol at ihele siya para makatulog. Maghanap ng mga laruan sa alagaan ng mga bata! Ang mga laruan ay nasa lahat ng dako. Tulungan ang sanggol sa paghahanap ng mga nakatagong laruan. Panatilihing nakabukas ang iyong mga mata at hanapin ang kinakailangan ng sanggol. Kasiyahan sa laruan Mga panglabas na aktibidad na naghahandog ng walang katapusang kasiyahan para sa mga bata! Matuto kung paano mag-alaga ng mga bulaklak o magbukod ng mga mansanas at mag-aliw habang inililigtas ang mga ibon. Magkakaroon ka ng masayang oras na makasama ang mga bata sa padulasan. Matutuwa ka na parang bata sa isang tindahan ng kendi! Mga tampok: • 7 magkakaibang aktibidad • 5 kaibig-ibig na mga sanggol na may iba’t ibang ekspresyon ng mukha • kakaiba ngunit nakakatuwang epekto ng tunog • maliit na laro ng mga nakatagong bagay na may 3 magkakaibang tagpo • mahigit sa 50 iba’t ibang damit ng sanggol • matitingkad na kulay at magagandang ilustrasyong HD • interactive na mga eksena Ang larong ito ay libreng laruin subalit may mga ilang in-game na mga bagay at mga tampok, pati ang ilan sa mga nabanggit sa pagsasalarawan ng laro, na kinakailangan ng bayad sa pamamagitan ng in-app na mga pagbili na nagkakahalaga ng tunay na pera. Mangyaring suriin ang mga setting ng iyong aparato para sa mas detalyadong mga opsyon patungkol sa mga in-app na mga pagbili. Ang larong ito ay mayroong mga patalastas ng mga produkto ng Bubadu o ng ilang mga third party kung saan ire-redirect ang mga gumagamit sa amin o sa mga third-party na mga site o app. Patakaran sa pagkapribado: https://bubadu.com/privacy-policy.shtml Mga tuntinin ng serbisyo: https://bubadu.com/tos.shtml